top of page

Aming itataguyod ang mga mararangyang bahay tuluyan(4/5 star hotel), bahay pulungan, panauhing bahay at kampanyento ng Safari sa merkado ng mga propesyonal mula sa Europa.

​

Ang aming layunin ay lumikha ng kamalayan patungkol sa mga nabanggit na pag-aari.

Ang pagpapalaganap na ito ay may saklaw na websayt (https:// )at pahayagang kasulatan na ipagkakaloob sa mga.


a. Tagapangasiwa ng paglalakbay
b. Katiwala ng paglalakbay
c. Periyodista ng paglalakbay
d. Tagapagpayo

​

Sumusunod na bansa :

​

  • Pransiya; 3,900 na tagapagtakda mula sa Kaharian ng Belhika at Kompenderasyon ng Suwisa na gumagamit ng wikang Pranses

  • Italya; 3,750 na tagapagtakda

  • Alemanya; 5,000 na tagapagtakda

  • Olanda; 1,075 na tagapagtakda

  • Espanya; 1,800 na tagapagtakda


Ang listahan ng tagatanggap ay taunang sinisiyasat upang mapanatili itong napapanaho, idinaragdag rito ang mga bagong organisasyon at inaalis ang mga di aktibong organisasyon.

Kung inyong nanaisin, sa tulong ng mga propesyonal na tagapagsaling-wika ay maaari namin kayong tulungan upang magsalin ng impormasyon sa Pranses, Aleman at Italyano.

​

Bawat pag-aari na aming itinataguyod ay mayroon nakatuong webpage na naglalaman ngmga sumusunod :

​

  • partikular o tiyak na larawang may kaugnayan sa lokasyon ng pag-aari/propyedad

  • logo, ngalan ng pa-aari, antas, direksyon at numero ng telepono

  • mga koneksyon patungo sa websayt ng propyedad at sa dekoryenteng patataan

  • pangkalahatang paglalarawan sa pag-aari

  • fact sheet

  • sampu hanggang dalawampu't larawan 

  • youtube o vimeo video

  • google map

​

Magbigay lamang ng mga larawan, fact sheet at pagsasalarawan para sa mga nabanggit. Nakatitiyak na aming isasalin sa wikang Pranses, Aleman at Italyano ang inyong konteksto.

​

Kami ay lilimbag ng pahayagang kasulatan buwan-buwan na ipagkakaloob  sa wikang Pranses, Aleman at Italyano sa mga nabanggit bilang na 15,525 na tagapagbigay payo o tagubilin.

​

Ipapakilala ng pahayagang kasulatan na ito ang mga bagong pag-aari sa aming websayt at layunin nito ang lumikha ng kamalayan patungkol sa mga pag-aari/propyedad.

​

Minsan sa bawat tatlong buwan (simula Setyembre), kami ay lalathala ng pambansang pahayagang kasulatan na nagbibigay diin sa mga kaarian na aming itinataguyod. Ito ay may karagdagang impormasyon patungkol sa mga nabanggit na bansa (nangangailangan ng bisa o di-nangangailangan ng bisa, mga punto ng payo sa paglalakbay).


Kung inyong nanaisin, kami ay lilikha ng pahayagang kasulatan na ilalaan lamang para sa inyong pagaari. Ito ay ipagkakaloob bilang apat, anim o walong beses na naauon sa wikang inyong nais sa isang buong taon sa mga tagapangasiwa ng paglalakbay mula sa Europa at katuwala ng paglalakbay.

​

Ang karaniwang pahayagang palihan (na ilalathala bawat apat, anim o walong linggo) ay binubuo ng pangkalahatang impormasyon na inihahayag sa bawat isyu (lokasyon, detalye ng mga taong maaaring hingan ng patnubay o karagdagang impormasyon, mapa mula sa Google, impormasyon patungkol sa isang bansa o organisasyon, mga paalala sa paglalakbay) at sa bawat isyu ay may partikular na impormasyong napupukol sa dalawa o tatlong bagong magkaibang paksa (halimbawa; silid-tuluyan, sentro ng kaangkupan, direksyon, mga libangan at iba pa).

​

Ang mga layunin ng pahayagang palihan :

 

  • Magbigay ng impormasyon sa mga tagapagtakda ng turismo sa Europa

  • Magpalaganap ng kamalayan patungkol sa mga bahay-tuluyan o panauhing bahay sa pamamagitan ng palagiang pagpapadala ng mga impormasyon 

  • Himukin ang mga propesyonal na nakakatanggap ng pahayagang palihan na imungkahi sa nakararami ang mga bahay-tuluyan

  • Himukin ang mga tagapagtakda ng turismo na sumangguni at tuklasin ang inyong opisyal na website.

​

Sa Europa, mayrron lamang katampatan na tatlong porsyento (3%) ng pagbibigay pansin sa mga pahayagang kasulatan na ipinagkakaloob sa madla.

​

Ang pamamaraan ng pagtataguyod na aming isinasagawa ay laan upang maabot ang itinakdang tudla para sa mga tagatangga sa buwanang batayan; sapagkat aming ipinagkakaloob ang pahayagang kasulatan sa itinakdang tudla ng mga tagatanggap.

​

Nasa dalawampu't porsyento ang nagbigay pansin sa mga pahayagang kasulatan na aming ipinagkakaloob sa nakalipas na dalawampu't apat na buwan. 

​

Ating tandaan na karamihan sa mga propesyonal na websayt ay hindi inihahanay sa unang pahina sa Google (halimbawa: Marriott Hotel, Hennan Garden Resort-Boracay)

​

Layunin ng pahayagang kasulatan na abutin ng tuwiran ang inyong mga tagapagtakda at sila'y panugutan patubgo sa inyong websayt.

​

Sampung araw makalipas ang paghahatid ng lathala kami ay magpapadala ng isang ulat sa aming mga kliyente at kabilang na rito ang mga sumusunod na detalye :

 

  • Bilang ng mga tumatanggap (sa bawat bansa)

  • Bilang ng mga nagbukas at nagbasa ng pahayagang palihan (sa bawat bansa)

  • Bilang ng mga lagitik sa mga koneksyon (sa bawat bansa)

  • Pagkakakilanlan ng mga pahina ng iyong website na inaabot/nararating ng bawat paglagitik 


Sa proyektong ito, kinakailangan ang labindalawang buwan na kasunduan mula sa mga interesadong kliyente (labindalawa, siyam o anim na isyu) at kabilang sa halagang gugugulin ay ang mga sumusunod :

​

  • Lumikha ng paksa/konteksto sa tulong ng mga impormasyong ibabahagi ng kliyente

  • Pagsasalin ng mga impormasyon sa pangunahing lengguwahe sa isa o higit pang bansa sa Europa

  • Pagmamatnugot

  • Napapanahong pagpapadala ng pahayagang palihan sa tiyak at itinakdang oras sa mga naaangkop na tumatanggap

  • Estatistikong pananaliksik.

​

Translated from English by Wyndell Castillo Bartolome

bottom of page